Victory Worship - Yahweh (Studio) Lyrics
Lyrics
Si Yahweh ang aking pastol 'Di ako magkukulang Pinahihimlay Niya ako sa Luntiang pastulan
Inaakay Niya sa tahimik na batisan Pinanunumbalik Niya aking kalakasan Pinapatnubayan ang bawat hakbang 'Di ako nag-iisa
Yahweh, Yahweh, Yahweh Pag-ibig Mo'y walang hanggan Yahweh, Yahweh, Yahweh Sa 'Yo ako'y mananahan
Si Yahweh ang aking pastol Siya'ng aking kalakasan Ang aking patnubay sa Landas ng katuwiran
Upang ang ngalan Niya'y Aking papurihan Kaluwalhatian Niya ang itataas Tungkod Niya't baston Ay ang aking matibay Na sanggalang
Yahweh, Yahweh, Yahweh Pag-ibig Mo'y walang hanggan Yahweh, Yahweh, Yahweh Sa 'Yo ako'y mananahan
Yahweh, Yahweh, Yahweh Pag-ibig Mo'y walang hanggan Yahweh, Yahweh, Yahweh Sa 'Yo ako'y mananahan
Dumaan man ako sa libis ng kamatayan Takot ay walang lugar sa pusong may tiwala Ikaw ang aking tagapagligtas Ikaw sa akin ang lahat-lahat
Yahweh, Yahweh, Yahweh Kabutihan Mo'y walang hanggan Yahweh, Yahweh, Yahweh Sa 'Yo ako'y mananahan
Yahweh, Yahweh, Yahweh Pag-ibig Mo'y walang hanggan Yahweh, Yahweh, Yahweh Sa 'Yo ako'y mananahan
Si Yahweh ang aking pastol
Video
Yahweh - Studio (feat. Barbie Almalbis)