Sifa Lyrics

Pagbabalik by Victory Worship cover art

Victory Worship - Pagbabalik Lyrics

Artist:
Victory Worship
Album:
Hope Has Come
Official Release:
11 Dec 2019

Lyrics

Ngayon ay aahon, at kakalimutan ang nakaraan
Dilim ng kahapon, isasantabi na at wawakasan

Pagkat ang liwanag ng pag-ibig mo
Ay ilaw, gabay sa pagbabalik ko

Aawitin ang iyong katapatan at kadakilaan
Sasayaw sa saliw ng lawak ng iyong pagmamahal
Lulundag sa lalim ng kabutihan ng iyong hangarin
O ang lahat ng iyong mga anak magbabalik sa'yo, ama

Ipagdiriwang, at ihahayag ang kalayaan
'Di papaalipin, hindi na muling magpapabihag

At sa bawat sulok ng buong mundo
Ihahayag tanging pangalan mo

Aawitin ang iyong katapatan at kadakilaan
Sasayaw sa saliw ng lawak ng iyong pagmamahal
Lulundag sa lalim ng kabutihan ng iyong hangarin
O ang lahat ng iyong mga anak magbabalik sa'yo, ama

Ama, walang katulad, ang pangako at pag ibig na alay
Hesus, ikaw ang daan, tanging katotohanan at buhay

Lahat ay magagalak

Aawitin ang iyong katapatan at kadakilaan
Sasayaw sa saliw ng lawak ng iyong pagmamahal
Lulundag sa lalim ng kabutihan ng iyong hangarin
O ang lahat ng iyong mga anak magbabalik sa'yo, ama
Magbabalik sa'yo, ama
Magbabalik sa'yo, ama
Magbabalik sa'yo, ama
Magbabalik sa'yo, ama

Video